Patuloy ang implementasyon ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles, sa probisyon ng Omnibus Market Code na mahigpit na nagbabawal sa paggamit ng depektibong timbangan sa mga pampublikong palengke ng lungsod.

Ngayong araw, sa pangunguna ng City Economic Enterprise Management Office, nakahuli ng higit sa 10 mga timbangan na may paglabag sa section 23 (12) ng Omnibus Market Code.

Patuloy ang pagsasagawa ng operasyon kontra sa depektibong timbangan. Pinaaalalahanan ang bawat maninininda na sundin ang tamang patakaran sa paggamit ng timbangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.