Bilang pagsunod sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan, ginanap ngayong araw, Setyembre 26, 2019, ang isang Cooperative Education Seminar para sa mga miyembro ng Tarlac Burot Jeepney Operators and Drivers’ Association.

Isang bagong alituntunin sa pagbibigay ng prangkisa ng Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB) ay ang pangangailangan ng isang kooperatiba na binubuo ng mga PUV operators. Lubos ang suporta ng pamahalaang lungsod sa programang ito, sa pangunguna ng Mayor Cristy Angeles, Atty. Numer Lobo, City Administrator at City Cooperative and Enterprise Development Office (CCEDO), partikular sa teknikal na pangangailangan upang makabuo ng isang kooperatiba.

Nagsilbing tagapagsalita si Mr. Jhon Joseph S. Avila, Administrative Officer II ng Promotion Organization and Accreditation Section – Operations Division, Office of Transportation Cooperative ng Department of Transportation.

Leave a Reply

Your email address will not be published.