Umaatikabong sagupaan ng Tarlac City Angels at Paniqui sa larangan ng basketball ang naganap sa 3rd Gov. Susan Yap Inter-Town Basketball Tournament sa Tarlac State University Gymnasium ngayong gabi.

Nasungkit ng Tarlac City Angels ang panalo sa Game Number 2 kontra Paniqui sa score na 83-75 dahil sa matinding training at sa buong pusong suporta na ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles.

Inaasahan na mas magiging mainit pa ang susunod na laban kung saan malalaman ang magiging kampeon ng patimpalak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.